i’ve never had the chance..

October 15, 2009

Mabilis lumipas ang panahon. Naging active ako sa school ko. Lagi akong kasama sa mga sumasayaw every graduation nung nasa elementary ako. Hinubog ko kasama ng mga nagtuturo samin ng sayaw ang talent ko sa pagsasayaw. Kasama ako sa mga pinanlalaban pagdating sa pagsasayaw. Naging masaya ang buhay ko sa elementary dahil narin sa mga activities na sinasalihan ko. Natapos ako ng elementary kahit walang medalya na isasabit sakin pero hindi naman ako ngpapahuli sa klase noon. Si papa noon ang umakyat sa stage. Nagresign siya sa work nung nasa grade 3 na ako. Umuwi siya at noong nasa first year na ako nung muli siyang nag-abroad.
Highschool. Freshmen ako. Bagong mukha sa school. Bagong environment. Bagong mga teachers. Bago lahat sa paningin ko. Naging busy ako sa extra curricular activities na sinalihan ko. Naging member ako ng dance troupe ng school na sumasali sa Sinukuwan Festival sa Pampanga. Puro pagpapraktis ang naging buhay ko magmula June hanggang August. Lagi akong excuse sa klase at naging extempted sa mga exams. Lumaban kami dala ang pangalan ng school ko at nang manalo kami noon at ang school naming ang magrerepresent ng Lubao (isa sa mga Municipality ng Pampanga) lalong naging busy ang mundo ko sa pagsasayaw. Nagpahinga kami ng buong September dahil nadin sa Intrams ng school naming. Nagresume na ang praktis namin ng October to November dahil December 06 ang competition. Lalaban na kami nagyon dala ang pangalan ng Municipality ng Lubao laban sa mga iba pang Municipality ng Pampanga. Naging school bahay ako noon. Wala akong oras para gumala o tumambay dahil araw araw akong pagod. Nawala din pansamantala ng mga iniisip ko noon. Nahuli nadin ako noon sa klase dahil pumapasok ako noon para magpraktis hindi para mag-aral. Dumating ang araw na sasayaw kami. Sa likod ng SM Pampanga ginanap ang Interpretative Dance at magmula sa Capitol ng San Fernando hanggang SM nagsimula ang Street Dancing. Pinalad kami at kami ang nanalo noon.
Malamig ang mga gabi noon dahil narin December. Muling bumalik sa dati ang lahat dahil tapos na ang competition. Balik na sa loob ng room. Balik discussion na ulit. Balik sa upuan katabi ang mga kaklase ko. Walang pa akong gana para bumalik sa pagsusunog ulit ng kilay. Namimis ko agad yung mga praktis namin. Maghapon nasa quadrangle, nakabilad sa araw habang sumasayaw (hindi pa kasi covered yun noon hanggang nagyon. Haha!). Kasabay din noon ang pagbalik ng mga iniisip ko. Mga tanong gaya ng buhay pa kaya sin mama? Nasaan na kaya siya ngayon? Mga tanong na pauilit ulit sa isip ko. Nakamove on na noon ako sa nangyari. May may times lang talaga na pumapasok sa isip ko yun.
Natapos ang first year at na kasama ako sa top 9 ng class ko. Nga pala nasa first section pala ako noon at ako ang panghuli sa 9 na yun. Hehe. Kasabay din noon ang pag-alis ni papa. Balik abroad nadin siya. Sayang nga kasi hindi siya ang nagsabit sakin ng medal noon kahit bronze lang. Nasa abroad na siya ng malaman niya na kasama ako. 2 years bago ulit umuwi si papa. Sina tita at mga pinsan ko na naman ang kasama namin. Wala noon si lola. Namatay siya noong nasa grade 4 ako. Nawala na ang paborito kong lola. Lagi niya kasi akong sinasama noon kapag umaalis siya ng bahay. Nakakalungkot lang isipin noon kasi na halos mag-aapat na taon ko lang siya nakasama.
2nd year. Sophomore na ako. June na ulit. Inaabangan kong tawagin kaming mga dancers kasi alam ko sasali ulit kami dun sa competition pero nabigo ako. Nabalitan ko na hindi na pala sasali ang school ko. Nanghinayang ako noon kasi akala ko mauulit ulit ang mga panahon na excuse ako sa klase. Maghapon sumasayaw. Exempted sa mga quizzes at exams pero hindi. Huli na pala yung last year. Sayang talaga.
Pinagpatuloy ko nalang ang pagiging active ko sa academics kahit walang extra curricular. Hindi ako nagpahuli sa klase dahil kailangan my maipakita akong mataas na grades sa papa ko kaya todo aral ako noon. Wala pa akong cellphone noon. Hindi pa uso sakin yun kaya sa sulat kami nagkakaroon ng communication ng papa ko. Naging mabilis para sakin ang mga araw noon. Bahay school lang ulit ako noon. Hindi pa ako marunong maggala noon. Bahay lang ang tambayan ko. Manunuod ng tv or makikinig sa radyo. Magpapasko na naman ulit. Malamig na naman ang mga gabi. Mga gabi na minsan hindi ako nakakatulog dahil sa mga iniisip ko. Bumalik na naman sa isip ko ang mga tanong na kung buhay pa si mama o hindi. Kung nasaan siya sa mga oras nay un. Kung ok lang ba siya at kung naalala niya kami o hindi.
Natapos ang pasko at new year ng wala si papa sa bahay. Bagong buhay na naman para samin. Bagong bukas na naman na haharapin ng wala si papa. January yun kaya malapit na naman madagdagan ang edad ko. Tatanda na naman ako ng isang taon. Simple lang kung ipagdiwang ko ang kaarawan ko. May konting merienda kasama ang mga tito’ tita ko at mga pinsan. Wala na naman si papa noon. Pinadalhan niya ako ng birthday card noon na siyang naging presensya niya sa araw na yun. Natapos ang araw ko ng simple pero masaya naman. Dumating ang buwan ng February. Ang buwan na ginulantang kaming lahat.
February 07 noon. Biyernes. Uwian na galing school. Tumawag si papa sa tita ko (hindi yung kasama naming sa bahay) para sabihin saming magkakapatid kung anu yung itinawag niya. Umiiyak noon ung dalawa kong tita. Yung kasama namin sa bahay tsaka ung tinawagan ni papa. Pagdating ko kasi hindi naman kami sabay sabay umuuwi noon kasi malapit lang sa bahay naming yung school kaya noong dumating ako sinabi ng dalawa kong tita na patay na daw si mama. Hindi ako naniwala nung magrinig ko yun. Dumiretso ako sa loob ng bahay at nagbihis. Lumabas ako tapos tinanong ko kung totoo. Sinabi nila totoo daw. Hindi ko alam ang pakiramdam ko noon. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil hindi ako makapagsalita. Mabuti na lang nakupo ako noon kasi kung nakatayo ako baka nakita nila kung paano manghina ang mga tuhod ko. Hindi ako nagsasalita noon. Ang daming pumasok na tanong sa isip ko noon. Ano ang ikinamatay niya? Kelan pa siya namatay? Makikita ba naming ung burol niya? Paano nila nalaman na patay na siya? Sinong nagsabi sa kanila?. Naghalo nadin noon ang mag nararamdaman ko. Hindi ko alam kung naiiyak ba ako o hindi. Wala akong imik hanggang dumating yung sis ko. (highschool nadin siya noon. 1st year.) Hindi din siya makapaniwala nung narinig na ung balita. Pareho na kaming walang imik ngayon. Hindi kami nag-uusap. Biglang tumawag si papa noon. Kinausap niya kami. Sinabi niya na wala na daw si mama. Sinabi niya na nalaman niya daw doon sa dati naming kapitbahay sa Caloocan (taga roon kami bago kami inuuwi ni papa sa Pampanga). Sinabi niya na umuwi daw kami ng Caloocan kinabukasan para makita daw naming si mama kahit sa huling sandali.
Kinabukasan agad kaming nagsibihis para umuwi ng Caloocan. Taga doon kasi ung ibang kapatid ni mama kaya doon dumiretso. Walang na naman akong imik noon sa biyahe. Ang dami na naman pumasok sa isip ko. Sa wakas makikita ko ulit si mama pero wala ng buhay. Nakakalungkot lang isipin na sa muli naming pagkikita, ganoon pa ang scenario. Matagal kong hinintay ang araw na muli kaming magkikita pero ganoon pa ang nangyari samin. Sadya talagang mapaglaro ang mundo at sa ganoong pagkakataon pa kami magkikita. Yan ang mga gumulo sa isip ko noong nasa biyahe kami. Hindi ko na maalala yung lugar kung saan kami nakatira dati dahil sa tagal nadin ng panahon noong huli kong makita yun at madaming nagbago sa loob halos ng 13 taon.
Dumating kami sa lugar. Doon kami dumiretso sa kapitbahay namin dati kasi inaasahan nila kami na darating tsaka hindi namin alam kung saan yung bahay ng mga kapatid ni mama. Tumuloy kami at nagkamustahan dahil sa tagal ng hindi naming pagkikita. Kinuwento ni manang (un ung tawag namin sa kanya noon) kung bakit natagalan bago niya kami nakontak. Ipinagawa niya pala ang bahay niya kaya nawala ung mga numbers ng mga tita ko sa kanya. Tumira din kasi doon sa bahay ung tita ko noong nag-aaral pa siya ng college kaya magkakilala sila ni manang. Alam din niya kasi yung nangyari sa pamilya ko. Hinahanap daw niya yung listahan ng mga numbers para daw makontak niya kami. Kinokontak daw niya kami noong araw na mamatay si mama. Sinabi niya din na hindi na daw namin naabutan si mama. Nailibing na daw siya noong nakaraan na linggo. Dito na namin hindi nakaya. Umiiyak na lahat kami. Inaasahan naming magkakapatid na makikita namin siya pero huli na pala. Hindi na naming tuluyang nakita si mama kahit sa huling sandali. Hindi kami binigyan ng pagkakataon. Iyak ako ng iyak noon. Parang walang ng bukas para sakin. Pinatahan ako ni tita pero parang wala akong narinig. Pinahupa nila ang tension bago tinawag ni manang yung mga kapatid ni mama. Para malaman namin kung ano talaga ang nangyari. Pagdating ng dalawang tita ko sa mother side hindi napigilan na umiyak nung makita kami. Sa tagal ng panahon na hindi nila kami nakita yun nalang ang naging bungad nila samin. Niyakap nila kaming magkakapatid tanda ng pangungulila samin. Ikinuwento nila na tinrangkaso daw siya dahil sa sobrang pagtatrabaho hanggang sa lumala daw na hindi na kinaya ng katawan niya kaya kinailangan daw niyang maospital at maconfined. Sinabi din nila na hinahanap daw kami ni mama. Gusto daw niya kaming makita. Sinasabi ng mga tita ko sa kanya na magpagaling muna daw siya para siya daw mismo ang pumunta ng Pampanga para makita kami. Tinatawag daw niya mga pangalan namin habang umiiyak daw siya. Hindi na daw kinaya ng katawan ni mama ang karamdaman niya kaya nabawian siya na buhay ng hindi kami nakikita. Iyak ako na iyak noon habang kinukwento nila ang mga nangyari kay mama. Umiiyak din noon ung tita ko habang kinukwento niya ang lahat. Pati si manang noon naiyak nadin sa mga narinig niya. Kinwento din ni tita na gusto daw niya kaming puntahan noong bago siya magkasakit pero madami daw siyang naririnig doon sa lugar naming dati na baka may bagong asawa na daw si papa kaya hindi natuloy ang papunta niya kasi inisip niya na baka totoo yung mga naririnig niya. Kaya noong nagkasakit siya, gustong gusto na daw kami ni mama kasi parang alam daw niya na mawawala na siya kaya kahit sa huling sandali makita niya kaming tatlo. Kung titignan mo napakaliit lang ng gusto niya pero hindi padin nangyari. Bakas sa mukha ng mga kapatid ni mama ang panghihinayang kasi hindi naming siya nakita kahit yung burol na lang niya :’(
Nanangahalian na kami kina manang noon. Pagkatapos noon pumunta kami sa bahay nila lola (mother side ko) para makita siya tsaka mga yung mga tita at tito at mga pinsan ko na nandoon. Tahimik na naman ako noon. Pinagmamasadan ko lang sila. Ang mga pinsan ko na hindi maialis ang tingin samin dahil sa tagal ng panahon nung huli kaming magkita kita. Hindi ko na sila kilala. Nagbago nadin mga itchura nila dahil sa pagdaan ng panahon. Ang naalala ko nalang na sila ang mga kalaro ko noong doon pa kami nakatira sa lugar na yun. After noon nagpunta din kami sa bahay noong isa ko pang tita pero hindi ko na maalala kung saan yun. Nagpunta kami doon para makita yung iba ko pang mga pinsan. Yung iba my mga asawa na at may mga anak nadin. Hindi kami nagtagal doon kasi kelangan na naming bumalik sa Pampanga dahil sa hapon na din noon. Kulang ang isang araw para marinig ko ang kwento ng mga pinsan at tito’t tita ko. Kulang ang araw na yun para mabawasan ang 13 taon sa pangungulila nang mga kamag-anak kay mama para saming tatlo.
Tahimik lang ulit ako sa biyahe noong pauwi. Natingin sa bintana ng bus. Pinagmamasdan ang mga nadaraan nito. Hindi pumasok sa utak ko na ganoon ang mangyayari sa araw na yun. Napakalayo sa iniisip ko. Ang alam ko kasi makikita ko si mama na tahimik na natutulog sa kanyang bagong kama, pinalilibutan ng maraming ilaw kasama ang si jesus na nasa krus at tahimik na pinagmamasdan ng mga tao pero hindi. Ibang iba talaga. Hindi ko sinisisi ang nasa taas sa mga nangyari pero tinanong ko siya noon kung bakit hindi pa hinabaan kahit konti ang buhay ni mama para mangyari ang gusto niya na makita niya kaming mga anak niya. Sayang at hindi kami nabigyan ng pagkakataon para doon.
Life is a series of changes and you must know how to deal with it. Tama. Dapat alam mu kung paano haharapin ang buhay kahit wala kang clue, hint or cheat para malagpasan mu to ng hindi ka nasasaktan pero hindi. Wala pang hindi nagbago or nasaktan sa mga pagbabago na nangyari sa kanya. Everybody will always feel the pain and tears will always fall. Hindi mu man kayang pigilan pero kaya mu namang baguhin. Diba? :] Naalala ko tuloy ung wisdom na sinabi nung bata dooon sa Lucky Me commercial dati. Never say die and tomorrow is a new day.

Advertisement

One Response to “i’ve never had the chance..”

  1. jm Says:

    tomorrow is a new day. :)

    nagulat ako sa pagpasok nung “life is series of changes…” Haha. Pero, all in all, life is not life without pain.

    God bless you always. He’s watching us. :)


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.