unexpected breakup..

October 2, 2009

Its been 13 years since my parents decided to end their relationship but its still fresh in my mind, the details on how did they quarreled that night and how will they change our future.
I was 6 years old then, panahon kung saan mas gusto nating kasama ang favorite toy maghapon. Walang pakialam sa mga ibang bagay, walang pakialam sa mundo. Simple at tipikal lang akong bata noon. Masaya na sa buhay na meron ako, mapagmahal at maalagang ina at mabait at responsableng ama na nasa ibang bansa. 3 kasi kaming magkakapatid at isang taon lang agwat namin sa isa’t isa. Hindi pa nag-aasawa ang papa ko eh nag-ngingibang bansa un kaya nung nag-asawa siya, yun na naging way niya para tustusan ang mga needs namin.
Lumalaki kami ng wala sa tabi namin ang papa ko kaya may doubt ako kapag dumadating cia. Alam mu yong feeling na parang ibang tao siya sau? Parang hindi siya yon? Naalala ko nung araw na sinundo naming siya sa airport (6 years pdin aq nun) karga karga ako nung tito ko noon papunta dun sa waiting area para salubungin yung darating tapos biglang nagsalita yung tito ko, “Ayon yung papa mu oh?” Tinignan ko yung taong tinuturo nia parang hindi ako makapaniwala na ung nakikita ko yung tatay ko na pala. Kinuha ako noon ni papa tapoz alam mu yung parang napilitan kang sumama sa kanya kasi pilit sinasabi ng tito ko na yun nga daw yung papa ko. Ayon wala akong imik nung karga ako ni papa ksai hindi ko na marecognized ung face niya dahil sa tagal na hindi ko siya nakikita.
Kinagabihan sa bahay, the usual thing na ginagawa ng mga balik bayan: ang magbukas ng balik bayan box waiting for the pasalubongs. Naging maayos naman ang pakikitungo nming magkakapatid sa tatay ko, bigay ng chocolate dito, doon, abot ng mga pasalubong samin. Bumabawi samin dahil nadin sa tagal na hindi nia kami nakasama. Akala ko noon walang magiging problema, akala ko magiging maayos ang lahat pero hindi pala.
Nalaman ni papa na may iba si mama, in other words may kabit si mama (ayoko sanang gamitin ung word na yun pero yun talaga eh). Tandang tanda ko pa yun, nag-aaway silang dalawa sa kwarto eh nasa sala lang kami noon, nakahiga. Wala kaming reaksyon noon dahil narin sa alam naming magkakapatid ang reason ng pinagaawayan nila. Lumipas ang gabi sa pag-uusap nilang dalawa kung paano solusyunan yung problema. Hindi muna nila pinaalam saming magkakapatid kung anu napagdesisyunan nila. Kinaumagahan wala silang imikan habang nagpeprepare ako tsaka nung sis ko para pumasok. Binibihisan ako noon ni mama, kinausap nia ako. Sinabi nia na magpapakabait daw ako, wag daw matigas ang ulo ko tsaka lagi daw akong makikinig sa mga sinasabi ng papa ko. Hinatid na ako sa school. Dumaan ang maghapon, natapos ang klase at naghihintay na si mama sa labas ng school. Hindi pala si mama ang naghihintay, si papa. Umuwi kami sa bahay, pinagmeryenda niya ako pero hindi padin niya sinabi sken (kelangan kong malaman kase ako ang panganay kahit bata pa ako may karapatan din ako para malaman yun kasi family problem ang issue). Hindi ko nakikita si mama sa bahay, sinabi niya na may pinuntuhan daw. Hindi ko alam na un na pala huling pagkikita namin ni mama. Binihisan ako ni papa after kong kumain, tinanong ko siya kung bakit? Saan tayo pupunta? Doon sinabi ni papa na uuwi daw kami ng Pampanga (hometown ni papa ko). Sinabi nia na maghijiwalay na daw sila ng mama ko kaya iuuwi niya ako dun. Tinanong ko din siya kung hindi ba sasama samin ung dalawa kong kapatid, sabi nia susunod daw sila, mauuna daw ako. Binyahe ako ni papa kahit gabi na. Hindi inaasahan nila Lola na darating kami ng ganun kalate kasi tanda ko around 11:30 kami dumating noon. Pinaghanda kami ng makakain pero wala akong gana. Hindi kasi ako makapaniwala na hindi ko na makikita si mama eh kasama ko lng siya kaninang umaga. Hindi ko pa napadama at napakita sa mama ko kung gaano ko cia kamahal. Nakita ko na naguusapan sila papa, lola at ang tita ko. Nagsasalita sila ng kapampangan (dialect ng mga taga roon) pinapakinggan ko sila kahit hindi ko maintindihan ung pinag-uusapan nila pero alam ko na ang paghihiwalay nila papa at mama ang topic nila. That was September 16 1996.
Lumipas ang araw, tinransfer ako ni papa sa elementary school malapit sa bahay nil lola nasa kalagitnaan ng pasok noon nung inuwi niya ako sa Pampanga. Hindi naman ako nahirapan nakapasok sa school kasi halos ng mga tao dun eh magkakakakilala at kamag-anak pa namin ung naging teacher ko. Pinilit kong maging normal sa kabila ng mga nangyari dahil alam ko sa sarili ko na may kulang na sakin, may nabawasan na. Pakiramdam ko lahat ng tao natingin sakin dahil sa bago ako sa lugar na yun. Natakot ako noon na nalaman ng mag taga roon ang nangyari sa pamilya ko kaya tahimik lang ako kapag hinahatid ako ng lola ko sa school hanggang sa loob ng classroom. Wala akong kinakausap. Hindi ako nagsasalita. Hindi ako nakikipaginteract sa mga discussion. Magsasalita lang ako kapag tinawag lang ang pangalan ko. Wala ako sa sarili ko kahit nandun ako (the absent minded thing). Naging ganun ako sa sarili ko sa loob ng ilang linggo. Kinakausap ako palagi ng mga pinsan ko, oo at hindi lagi ang sagot ko. Kahit sa kanila, ayokong ipaalam ang totoo kahit alam kong may idea na sila kung bkit nandun ako.
Napakasimple ng araw na yun. Sabado kaya nasa bahay lang ako. Hindi ko naisip na darating na ang kapatid ko na sumunod sakin nang araw na yun. Hindi kami agad nag-usap ng kapatid ko. Ayoko padin kasing isipin na doon na kami titira na hindi ksama si mama. Ganun din ang nangyari sa kapatid ko. Tinransfer sa day care para maituloy ung pag-aaral niya. Medyo iba ang kapatid ko, mabilis siyang nakibagay sa mga tao. Mabilis nakapag-adjust ang sis ko sa bagong environment na meron siya pero hindi ako. Lalong akong naging tahimik noon dahil sa pagdating ng kapatid ko. Hindi sa ayaw ko siyang makasama pero siya ang magsasabi sa mga sagot na tinatanong palagi ng mga tita at pinsan ko sakin. Kinausap ako noon ni papa, sinabi niya na masanay na daw akong mamuhay doon at wala na daw pag-asa na magkabalikan sila ni mama. Napinsan niya kasi na parang ayaw ko doon kaya niya sinabi yon. Sinabi din niya na hindi na daw siya mag-aasawa at saming magkakapatid nalng iikot ang buhay niya para bigyan kami ng magandang bukas. Huling dumating yung bunso namin. Kinwento ni papa nung pagdating nila na nahirapan daw siya sa pagkuha dun sa bunso naming kasi sinama daw siya ni mama sa Leyte (province nila mama na hanggang ngayon hindi ko pa napupuntahan) eh 3 years old palang nun yung kapatid ko kaya sasama siya kay mama.
Tinanim ko sa isip ko ang mga sinabi niya kaya kahit mahirap para sakin kailangan ko ng kalimutan si mama. Hindi na siya babalik kahit mag-iiyak ako magdamag, wala ding mangyayari. Kaya sa murang edad ko, naranasan kong mag-move on kahit mahirap. Sinarado ko na sa isip ko ang mga chances na baka magkabalikan pa sina mama at papa dahil nanggaling na kay papa na wala ng pag-asa. Nakisalamuha na ako sa mga taong araw araw kong nakakasama. Tinanggal ko sa isip ko lahat ng nangyari at binago lahat ng pananaw ko sa buhay.
Mabilis lumipas ang mga araw at naging maayos na ulit ang buhay namin kasama ang mga pinsan, tita at lola kahit wala si mama. Nakapagabroad na ulit si papa para sa pag-aaral at pangangailangan naming magkakapatid. Naging pangalawang mama at papa na naming magkakapatid yung tita ko. Siya lagi ang pumupunta sa school kapag may mga meeting ng mga parents. Hindi ko na iniisip ang sasabihin ng mga tao about saken at sa mga kaptid ko. Hindi nalang namin sinasabi kapag nagtatanong ang mga kaklase namin pagdating sa bagay na yon kahit minsan may mga nariring kaming hindi maganda gaya ng magrerebelde daw kami sa papa ko na kahit kelan hindi nangyari. Yun dalawa kong kapatid close sila kay papa pero ako hindi. Medyo malayo ang loob ko sa kanya at hindi ko na sasabi ng diretso sa kanya yung mga gusto ko.
Naging ganito kami ng mga kapatid ko hanggang mag-high school at mag-college kami (nasa 4th year na ko, 3rd year yung sis ko tapos 1st year si bunso). Uuwi kami sa Pampanga every month. Malalayo kasi kami. Sa Bataan ako nag-aaral, yung dalawa magkasama sa Valenzuela. Natuto na kaming mamuhay ng ganito magmula nung nagcollege ako. Text at tawag naging communication naming sa isa’t isa at pati kay papa.
Napakaikli lang ng buhay natin dito sa mundo. Mga problema na kaliwa’t kanan kung dumating. Mga pagkakataon na lumilipas, nasasayang at nawawala. Mga masasaya at malulungkot na sandali. Lahat yan nararansan natin sa araw araw. Hindi pa huli para sa pagbabago, lahat naman tayo laging nabibigyan ng pangalawang pagkakataon para ayusin ang mga buhay natin. Sulitin mo na lahat ng bagay ngayon dahil hindi alam kung kelan mawawala yan.
Dito pala ako ngaun sa bahay ng classmate ko. Busy kami sa thesis na ginagawa namen. Tulog na ung isa naming kasama, tong katabi ko busy sa kakaedit ng design para system nila. Ako ito nakaharap sa laptop ko, hindi makatuolg kaya naisapang magsulat. Nainspired kasi ako ngaun, dumating kasi yong tatay niya galing ibang bansa. Naalala ko kasi si papa na nasa ibang bansa din. :]
Salamat sa pagbasa.

One Response to “unexpected breakup..”

  1. Jm Says:

    Aabangan ko ang next part ha. La kong masabi masyado, too personal rin kasi, alam mo na yun, pakatatag ka lang as always. Keep praying.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.